Kanselado ang biyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Amerika para sa 80th United Nations General Assembly sa New York.
Hindi nagbigay ng detalye ang Palasyo kung bakit hindi makadadalo ang Pangulo, na huling sumipot sa UNGA noong 2022.
Ayon kay Presidential Communications Office Secretary Dave Gomez, ang Kalihim ng Department of Foreign Affairs na si Enrique Manalo ang itinalaga ni Marcos para kumatawan sa bansa.
Kasabay nito, naka-iskedyul naman sa Setyembre 21 ang malawakang protesta ng iba’t ibang grupo laban sa mga umano’y iregularidad sa flood control projects.
Kaya’t habang nakatingin ang mundo sa UNGA, dito sa bansa, nakaabang ang publiko sa magiging tinig ng mamamayan sa lansangan. | via Ghazi Sarip, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
