Sa bisa ng Administrative Order No. 31, tinatag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Semiconductor and Electronics Industry (SEI) Advisory Council. Ang layunin ng council ay palakasin ang electronic industry para mas maging handa ang sektor na ito sa pandaigdigang merkado.
Ayon sa datos ng DTI, nag-ambag ang sektor na ito ng humigit sa 62% ng kabuuang export ng bansa noong nakaraang taon na nagkakahalaga ng $43 Billion.
Sa pamamagitan ng SEI Advisory Council, inaasahang mas mapapabilis ang pagbuo ng mga policy at strategy na tumutugon sa mga oportunidad at hamon sa industriyang ito. Inaasahan rin na mas mapapadali ang pagtutulungan ng pamahalaan at ang mga pribadong sector lalo na sa larangan ng semiconductors at electronics.
Ang council ay pamumunuan ng Special Assistant to the President for Investment and Economics Affairs at katuwang niya ang Trade Secretary bilang vice chair. Miyembro naman ng council na ito ang mga secretary mula sa mga department ng NEDA, Finance, Energy, DOST, DOLE, DepEd, at iba pang kagawaran. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV