Bumisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga evacuees ng San Mateo, Rizal na naapektuhan ng matinding pagbaha dulot ng Severe Tropical Storm Crising (Wipha) at habagat. Mahigit 3,899 na pamilya o 14,390 na katao ang apektado, habang 546 na pamilya ang pansamantalang nasa Maly Elementary School na nagsisilbing evacuation center.
Namigay ng family food packs si Marcos sa mga evacuees at tiniyak ang tulong mula sa DSWD. Idineklara na ang state of calamity sa San Mateo dahil sa tuloy-tuloy na ulan at pagbaha.
Bumisita rin siya sa iba pang evacuation centers, at mamaya ay pangungunahan niya ang isang situation briefing sa NDRRMC sa Camp Aguinaldo upang talakayin ang pinsala ng bagyo at habagat.
Direktiba ng Pangulo, isang koordinadong aksyon mula sa lahat ng ahensya kasama na ang relief. | via Allan Ortega | Photo Screengrab from RTVM/Facebook
#D8TVNews #D8TV