President Bongbong Marcos Jr. nagpahiwatig ng bukas na pinto para sa pagkakaayos sa pamilya Duterte! Sa unang episode ng kanyang “BBM Podcast”, sinabi ni Marcos na ayaw niya ng gulo—mas gusto niya ng kapayapaan at pagkakaibigan.
“Marami na akong kaaway, hindi ko na kailangan ng dagdag,” ani PBBM. “Gusto ko makipagkasundo sa lahat.”
Pangunahing layunin daw ng kanyang administrasyon ay political stability at katahimikan, para maipagpatuloy nang maayos ang trabaho ng gobyerno.
“Bukás ako sa kahit anong paraan na magtutulungan tayo,” dagdag niya.
Ang pahayag ay kasabay ng umiinit na tensyon sa pagitan ng mga kaalyado ng administrasyon at ng kampo ni VP Sara Duterte.
Matatandaang magkatambal sina Marcos at Duterte noong 2022 elections sa ilalim ng UniTeam, pero lumamlam ang samahan matapos umalingasaw ang mga isyu ng diumano’y iregularidad sa paggamit ng pondo ng OVP at DepEd sa ilalim ni Duterte. | via Allan Ortega | Photo via Bongbong Marcos’ Facebook
#D8TVNews #D8TV
