PBBM, binuksan ang Mining Philippines 2025: Itinatampok ang inobasyon at pamumuhunan sa pagmimina

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagbubukas ng Mining Philippines 2025: International Conference and Exhibition na inorganisa ng Department of Energy (DOE) at Chamber of Mines of the Philippines (COMP) sa The Grand Hyatt Manila, Taguig City ngayong araw.


Ginanap ang kumperensya sa isang mahalagang yugto para sa sektor ng pagmimina sa bansa, tampok ang mga oportunidad mula sa mga bagong patakarang piskal at regulasyon lalo na sa pagpapaunlad ng mahahalagang mineral, napapanatiling pamamahala ng likas-yaman, at paglago ng imprastruktura.


Sa temang “From Policy to Progress: Driving Mining Through Innovation and Investment,” pinagsama ng dalawang-araw na kaganapan ang mga pangunahing personalidad sa industriya ng pagmimina upang magbahagi ng kaalaman, maglatag ng mga solusyon, at makipagtulungan sa paghubog ng kinabukasan ng pagmimina sa Pilipinas at sa buong mundo. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *