PBBM, bibisita sa South Korea para sa APEC Summit

Bibisita si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa South Korea para dumalo sa 32nd Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leader’s Meeting.

Nakatakdang magtungo si Marcos sa Busan at Gyeongju mula October 30 hanggang November 2.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Angelica Escalona, nakatuon ang paglahok ng Pangulo sa pagsusulong ng economic interests ng Pilipinas at pagpapatibay ng ugnayan sa mga kasaping bansa ng APEC.

Inaasahan din na makikipagkita siya sa mga overseas Filipino worker (OFW) sa South Korea.

Samantala, nasa Kuala Lumpur, Malaysia ang Pangulo para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, at inaasahang babalik sa bansa ngayong Martes ng gabi. | via Andrea Matias

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *