Kumpirmado! Dadalo sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Unang Ginang Liza Araneta-Marcos sa libing ni Pope Francis sa St. Peter’s Square, Vatican City ngayong Sabado, ayon sa Malacañang.
Inanunsyo ito ni PCO Undersecretary Claire Castro sa media, pero hindi pa tiyak kung kailan lilipad ang mag-asawa papuntang Roma. “The President and the First Lady will do,” ayon kay Castro.
Pumanaw si Pope Francis sa edad na 88 dahil sa matagal na karamdaman. Ayon sa Vatican, nagkaroon siya ng respiratory crisis na may kaugnayan sa thrombocytopenia.
Gaganapin ang libing sa Sabado, alas-10 ng umaga oras sa Vatican (alas-4 ng hapon sa Maynila). Ilalagak ang kanyang mga labi sa St. Peter’s Basilica at sa Basilica of St. Mary Major.
Si Pope Francis ang kauna-unahang papa mula sa America at unang Jesuit pope, na inihalal noong March 13, 2013. Bumisita rin siya sa Pilipinas noong 2015.
Nagbigay-pugay si Marcos sa yumaong Santo Papa: “The best Pope in my lifetime,” aniya. | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV