Dalawang araw matapos ang engrandeng pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo sa Rizal Memorial Coliseum, muling nagpa-apaw sa kasiyahan ang PBA sa ginanap na gala night sa Solaire North, Quezon City noong Biyernes! Pinangalanan ang 10 bagong miyembro ng “PBA’s 50 Greatest Players” — tampok sina Nelson Asaytono, Bong Hawkins, Manny Victorino, Danny Seigle, at Jeffrey Cariaso!
Kabilang din sa bagong batch ang modern-day superstars na sina June Mar Fajardo ng San Miguel (8-time MVP!) at Scottie Thompson ng Ginebra. Parang reunion ang tagpo para kina Seigle at Danny Ildefonso, na magkasama noon sa pitong championship ng SMB mula 1999–2009. “Maraming nagsabi dapat kasama ako sa Top 40 noon, pero masaya na ako ngayon,” ani Seigle, 48.
Hindi rin nakalimutang parangalan sina Abe King, Yoyoy Villamin, at ang yumaong Arnie Tuadles. Present din ang mga dating PBA stars at kasalukuyang players — isang gabi ng respeto, nostalgia, at saya para sa tunay na PBA fans! | via Allan Ortega | Photo via PBA
#D8TVNews #D8TV