Pinayuhan ng Department of Agriculture (DA) ang publiko na ikonsidera munang kumain ng manok dahil mataas pa ang presyo ng galunggong.
Ang presyo ng imported na galunggong naglalaro mula P280 hanggang P350 kada kilo habang ang local na galunggong naman ay naglalaro mula P300 hanggang P400.
Ayon kay Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., may problema sa ngayon ang suplay ng isda bunsod ng closed fishing season.
Aniya, mas mabuting alternatibo muna ang manak dahil hindi pa matiyak kung kalian bababa ang presyo ng galunggong.
Samantala, maaari namang bumaba ang presyo ng isda kapag dumating na ang import shipment na na-delay bunsod ng sama ng panahon kamakailan.
