Magpapatuloy ang pagbuhos ng ulan at pagkulog sa Mindanao dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), ayon sa PAGASA ngayong Biyernes. Apektado rin ang Eastern Visayas at Palawan. Posibleng magdulot ito ng flash floods at landslide, kaya mag-ingat!
Sa ibang bahagi ng bansa, may mga panaka-nakang ulan at pagkulog dulot ng easterlies. Bahagya hanggang katamtamang lakas ng hangin at alon pa rin ang inaasahan sa buong kapuluan.
Walang bagyong nakaambang mabuo, ayon sa PAGASA.
Pero heto naman ang heat alert, mataas pa rin ang Heat index o ang “nararamdamang init” na aabot hanggang 44°C sa mga lugar gaya ng Bacnotan La Union, Infanta Quezon, Sangley Point, Cavite, San Jose, Occidental Mindoro habang nasa 43°C naman sa Laoag City, Dagupan, Aparri, Daet at 42°C sa mga lugar gaya ng NAIA, Tuguegarao, Batangas, Zambales, Subic, Palawan, Albay, Masbate, CamSur, at Northern Samar. Kaya ang payo ng mga eksperto, iwasan ang matagal na pagbabad sa araw at uminom ng maraming tubig! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV