Masama ang panahon sa malaking bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules! Tila hindi pa tapos ang hagupit ng habagat na patuloy na nagpapakawala ng ulan sa Luzon, habang ang ITCZ naman ay umaatake sa katimugang Mindanao.
Babala sa mga residente ng Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Zambales, Bataan, Palawan, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, BARMM, at buong Davao Region – asahan ang kalat-kalat na ulan at malalakas na thunderstorm. Maaari rin itong magdulot ng baha at landslide!
Kahit ang ibang parte ng Luzon at ng bansa, di rin ligtas may posibilidad pa rin ng panaka-nakang pag-ulan at localized thunderstorm.
Katamtaman ang hangin sa hilaga’t kanlurang bahagi ng Luzon, habang banayad sa ibang parte ng bansa pero wala pang bagyong binabantayan ang PAGASA. | via Allan Ortega | Photo via PNA/Joan Bondoc
#D8TVNews #D8TV