Patuloy ang pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas dahil sa ITCZ at easterlies

Ayon sa PAGASA, patuloy ang ulan sa ilang bahagi ng Mindanao at Luzon dahil sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ) at easterlies.

Apektado ng ITCZ ang Caraga, Davao Region, Zamboanga Peninsula, Sultan Kudarat, Sarangani, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Palawan. Easterlies naman sa Luzon, apektado ang Aurora at Quezon.

Maaaring magdulot ito ng katamtaman hanggang malalakas na ulan — delikado sa mga pagbaha at landslide.

Sa natitirang bahagi ng bansa, asahan pa rin ang panaka-nakang pag-ulan o thunderstorm dahil sa easterlies. May posibilidad din ng matinding kulog at pagbaha.

Mahina hanggang katamtaman pa rin ang hangin at alon sa buong bansa. Wala pa rin naman nakikitang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility.

Paalala ng PAGASA palaging magdala ng payong, lalo na kung nasa mga nabanggit na lugar! | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *