Patuloy ang pag-ulan sa maraming bahagi ng bansa dahil sa trough ng low pressure area (LPA) at habagat, ayon sa PAGASA ngayong Martes.
Nasa 650 km silangan ng Infanta, Quezon ang LPA, ayon sa weather bulletin. Medium chance pa lang itong maging bagyo sa loob ng 24 oras, sabi ni PAGASA forecaster Obet Badrina.
Dahil sa trough ng LPA maulan sa Bicol Region, Isabela, Quirino, Aurora, at Quezon at dahil sa naman habagat may ulan din Metro Manila, Visayas, Mimaropa, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Central Luzon, at Calabarzon.
Babala maaaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa mga apektadong lugar.
Sa ibang bahagi ng bansa asahan pa rin ang mga panaka-nakang ulan dulot ng localized thunderstorms at habagat.
Ang kalagayan ng karagatan ay katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang alon sa buong kapuluan.
Paalala magdala ng payong at i-monitor lagi ang mga local weather advisories! | via Lorencris Siarez | Photo via DOST-Pagasa
#D8TVNews #D8TV