Inanunsyo ng PAGASA na asahan pa rin ang pabugso-bugsong ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil sa easterlies. Ngunit sa Hilagang Luzon, may bantang malalakas na ulan at kulog-kidlat dahil sa frontal system, lalo na sa Batanes, Cagayan, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Apayao, Abra, at Kalinga. Posible itong magdulot ito ng flash flood at landslide!
Sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa, mananatili ang panaka-nakang thunderstorm. Katamtaman ang hangin at alon sa extreme Northern Luzon, habang banayad naman sa iba pang rehiyon.
Ayon sa PAGASA, walang nakikitang sama ng panahon o bagyo sa ngayon pero mag-ingat dahil sa mataas na heat index o init na nararamdaman ng katawan na maaaring magdulot ng heat cramps, exhaustion, o heat stroke.
Ang mga lugar na mataas ang heat index ay ang Sangley Point, Cavite na may 46°C, Daet, Legazpi, Pili 45°C, NAIA, Dagupan, Masbate: 44°C at sa Quezon City, Iloilo, Zambales at iba pa ay 43-42°C.
Payo ng PAGASA umiwas sa matagalang sikat ng araw, uminom ng maraming tubig, at manatili sa malamig na lugar! | via Allan Ortega | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV