Aabot na sa halos 500 ang nasawi habang nasa 10,000 naman ang arestado sa ikalawang linggo ng mga malawakang protesta sa Iran, ayon sa mga aktibista at human rights groups.
Pahirapan kasing subaybayan ang sitwasyon sa loob ng Islamic republic dahil pinutol na ang internet at mga linya ng telepono sa bansa.
Pinangangambahan tuloy ang mas marahas na crackdown ng mga hardline protesters nakaramihan ay kabataan.
Nagsimula ang malawakang protesta matapos mamatay sa kustodiya ng pulis ang isang dalaga na naaresto dahil sa hindi maayos na pagsuot ng hijab, ang kanilang tradisyunal na panakip sa mukha.
Nagpahayag ng suporta si U.S. President Donald Trump sa mga nagpoprotesta at sinabing handa ang Amerika na tumulong sa kanila.
Kasabay nito, nagbabanta ang pamunuan ng Iran na magiging “lehitimong target” ang U.S. military at Israel kung aatakihin ang Iran.
Patuloy ang mga protesta sa iba’t ibang lungsod, kabilang ang Tehran, Mashhad, at Kerman, kahit sinusubukan ng state media na ipakitang kalmado ang sitwasyon sa mga piling lugar.
