Sumampa na sa 25 katao ang naiulat na nasawi dahil sa pinagsama-samang epekto ng pananalasa ng Bagyong Crising, Dante, Emong, at habagat, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council, July 25.
Sa 25 katao, tatlo ang kumpirmadong patay— isa mula sa Gitnang Luzon, isa sa Northern Mindanao, at isa mula sa CARAGA region.
Dagdag pa rito, ang siyam na kataong naiulat na nasawi na patuloy na kinukumpirma ay mula sa NCR, tig-tatlo mula sa CALABARZON, Negros Island Region, Western Visayas, dalawa mula sa Northern Mindanao, at tag-isa sa MIMAROPA at Davao Region.
Samantala, umabot na sa 1,065,779 pamilya o 3,849,624 katao ang apektado ng mga bagyo at ng habagat.
Nagtamo naman ng malaking danyos sa agrikultural na sektor ng bansa na kung saan, nakapagtala ng ₱366.9 milyon na kabuuang pinsala ang NDRRMC.
Dagdag pa rito, ₱3.98 bilyon ang naitalang kabuuang danyos ng ahensya sa mga imprastraktura. | via Florence Alfonso, D8TV News Intern | Photo via Sangguniang Bayan Agno/Facebook
#D8TVNews #D8TV