Pasay City ang nagtala ng pinakamataas na basic literacy rate sa highly urbanized cities sa Pilipinas ngayong 2024, ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA). Umabot sa 96.2% ang literacy rate ng lungsod batay sa 2024 Functional Literacy, Education and Mass Media Survey (FLEMMS).
Ang basic literacy ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na bumasa, sumulat ng simpleng mensahe, at magsagawa ng simpleng operasyon sa matematika. Ayon sa survey, 96 sa bawat 100 residente ng Pasay na may edad lima pataas ay may ganitong kakayahan.
Ikinatuwa ni Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ang resulta ng survey, at sinabing patunay ito sa pagpapahalaga ng lokal na pamahalaan sa edukasyon. Isa ito sa mga pangunahing bahagi ng kaniyang HELP agenda — Health and Housing, Education, Economic Growth, Environment, Livelihood and Lifestyle, Peace and Order, Pamilya, at Palengke. | via Dann Miranda | Photo via PNA
#D8TVNews #D8TV