Itinaas na sa red alert status ang Pasay City jail kasunod ng paglilipat kay dating DPWH Bulacan District Assistant Engineer Brice Hernandez sa kanilang kustodiya.
Sa panayam kay Pasay City Jail Superintendent Alberto Tapiru Jr, layunin nilang matiyak ang kaligtasan at seguridad ni Hernandez na itinuturing na ngayong isang high profile inmate.

Dagdag pa ni Tapiru, magrereport ang lahat ng personnel ng naturang kulungan para masiguro ang kahandaan at sapat na bilang sa lahat ng mga puwedeng mangyari.
Mahigpit na ring binabantayan ang sitwasyon sa loob ng kulungan dahil alam na rin ng ibang mga preso ang isyung kinasasangkutan ni Hernandez.
Samantala, inihatid na rin ng driver ni Hernandez ang kanyang pang maintenance sa diabetes.
Sa ngayon ay solo pa si Hernandez sa kanyang selda subalit sinabi ng BJMP na paunti unting bibigyan siya ng makakasama para masanay si Hernandez sa buhay pangungulungan. | via ABJR, D8TV News
#D8TVNews #D8TV
