Papal Nuncio nananawagan sa mga mananampalataya na ipanalangin ang mga kardinal bago ang conclave

Umapela ang Apostolic Nunciature sa mga Pilipino na magdasal para sa mga kardinal ng Simbahang Katolika na magsisimula ng pagpupulong sa Mayo 7 para pumili ng bagong Papa, kapalit ni Pope Francis.

Ayon kay Papal Nuncio Archbishop Charles Brown, mahalaga ang panalangin ng lahat habang pinaghahandaan ng mga kardinal ang makasaysayang conclave. “Ito’y panahon ng pagninilay at pasasalamat sa pamumuno ni Pope Francis,” sabi niya.

Bago pormal na bumoto, magsasagawa muna ng serye ng pagpupulong ang mga kardinal sa Vatican upang balikan ang mga naiambag ng kasalukuyang Santo Papa.

Kasama si Cardinal Luis Antonio Tagle sa “Particular Congregation,” katuwang ni Cardinal Kevin Farrell, ang camerlengo o tagapamahala ng Vatican sa panahon ng sede vacante—kapag walang Papa.

Ayon sa Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sina Tagle, Cardinal Marx (Germany), at Cardinal Mamberti (France) ang pansamantalang miyembro ng grupo. Pinalitan sila kada tatlong araw ng mas malaking “General Congregation” na binubuo ng lahat ng kardinal. | via Allan Ortega | Photo via Ferdinand Patinio

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *