Umeksit agad si Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte mula sa Batasan wala pang isang oras matapos magsimula ang unang regular na sesyon ng Ika-20 Kongreso. bandang 10:43 n.u., lumabas siya sa South Wing ng gusali, kasabay ng pag-uumpisa ng nominasyon para sa House Speaker.
Nag-iisang nominado si House Speaker Martin Romualdez pinsan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na inaasahang mananatili sa puwesto sa ikalawang termino. Sa mga alituntunin ng Kamara, ang bumoto sa panalong Speaker ay bahagi ng majority bloc, habang ang hindi ay mapupunta sa minority.
Hindi na bumoto si Duterte, hudyat na tila hindi siya sang-ayon sa liderato. Ang insidenteng ito ay nangyari ilang oras bago ang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Marcos.
Kasama sa lumalalim na alitan ng Marcos-Duterte camps, ang tensyon ay tumitindi pa dahil sa ICC arrest order laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV