PAOCC pabor sa total ban sa online gambling: ‘Sinisira nito ang buhay ng mga pamilya’

Sinabi ni Gilberto Cruz, Executive Director ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), na sinusuportahan niya ang panukalang total ban sa online gambling dahil nakakasira ito ng maraming pamilya. Aniya, parang may casino ka na raw sa bulsa kapag may cellphone ka.

Maraming pamilya, lalo na ang mga OFWs, ang lumapit sa kaniya para ireklamo ang mga kaanak nilang naadik sa online sugal mga misis na galit sa asawa, at mga anak na alalang-alala sa magulang.

Kung ipatupad man ang ban, handa raw ang PAOCC na tumulong sa pagbigay ng intel sa mga awtoridad, gaya ng ginawa nila noong pinatigil ang POGO operations.

Ayon pa sa kanya, pinaghalong Pinoy at dayuhan ang nagpapatakbo ng iligal na online gambling sa bansa.

May mga panukala din sa Senado tulad ni Sen. Migz Zubiri na nagsulong ng Anti-Online Gambling Act of 2025 ban sa lahat ng uri ng online sugal at si Sen. Win Gatchalian naman ay nais ng mas mahigpit na regulasyon gaya ng bawal ang sugal bilang sponsor ng events at kampanya, taas cash-in limit, bawal ang e-wallets, minimum age itaas mula 18 to 21 at pondo para sa rehab centers ng mga nalulong.

Pabor din si DOH Secretary Teodoro Herbosa, dahil para sa kanya mental health issue ang online gambling addiction. | via Allan Ortega | Photo via MSN

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *