Panukalang imbitahan ang mga opisyal ng pamahalaan na bumisita sa WPS, suportado ng AFP

Bukas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panukalang imbitahan ang mga opsiyal ng pamahalaan na bumisita sa mga katubigang sakop ng Pilipinas partikular na ang West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ni AFP Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad kasunod ng ilang mga pahayag kaugnay sa mga sakop na teritoryo ng bansa.

Anya, isa itong paraan upang makita ng mga senior officials ng pamahalaan kung ano ang nangyayari sa kalupaan, himpapawid at karagatan sakop ng WPS.

Giit pa ni Trinidad, handang ipagtanggol at ibuwis ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang kanilang buhay para sa bansa.

Samantala, sa nakapagmonitor naman ang AFP ng 19 na barko sa nakalipas na isang linggo kung saan tig 1 barkonng Peoples Liberation Army Navy ang namataan sa Pag-asa Island at Bajo de Masinloc.

Anim na Chinese Coast Guard sa Bajo de Masinloc, tatlo sa Ayungin Shoal, dalawa sa Escoda Shoal at isa sa Pag-asa Island. | via Allen Ibañez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *