Pangulo Marcos: Ang Pasko ng Pagkabuhay ay call to action

Sa mensahe ni Pangulong Bongbong Marcos nitong Easter Sunday, tinawag niya na ang muling pagkabuhay ni Hesukristo bilang isang “call to action” para sa lahat ng Pilipino. Hindi lang daw sapat ang maniwala kailangan din daw kumilos para sa kapwa.

“Kung si Kristo’y bumangon mula sa libingan, wala dapat manatiling nakabaon sa utang, gutom, o katahimikan,” ani ni Marcos. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagkakaisa, habag, at pagpapatawad bilang tunay na diwa ng Pasko ng Pagkabuhay.

Idinagdag pa ng Pangulo na ang Easter ay hindi lang basta pagdiriwang ng pag-asa, kundi simbolo ng tagumpay ng buhay laban sa kamatayan at liwanag laban sa dilim.

“Gumising tayo, bumangon, at sumama sa pagkilos para sa isang mas makatao at maunlad na bukas,” panawagan ni Marcos sa sambayanan. | via Allan Ortega | Photo via Bongbong Marcos / Facebook Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *