Pancit Malabon, Guinness World Record holder sa longest line of noodle bowls

Nagdiwang ang mga Malabueño matapos makuha ang Guinness World Record para sa Longest Line of Noodle Bowls gamit ang Pancit Malabon. Sa loob ng halos 11 oras ng paghahanda, nakabuo sila ng 6,549 bowls, nalampasan ang dating record ng China noong 2019 na may 3,988 bowls.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, ang Pancit Malabon ay hindi lang isang putahe kundi simbolo ng pagkakakilanlan ng lungsod. Ang mga estudyante mula sa Arellano University at City of Malabon University ang nagluto ng pancit, habang ang lahat ng kalahok, kabilang ang mga manonood, ay sumunod sa mahigpit na hygiene protocols.
Pinagtibay ni Guinness Adjudicator Soina Ushirogochi ang kanilang tagumpay. Ayon naman kay City Tourism Officer Catherine Larracas, ang record na ito ay magdadala ng mas maraming oportunidad at turismo sa Malabon, patunay na ito ay Lungsod ng Paggawa at Pamana. | Photo via Lean Arogante & Malabon City Government FB Page

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *