Panalo si Alex Eala ng Pilipinas ng kanyang unang WTA title sa Guadalajara 125 Open sa Mexico matapos talunin si Panna Udvardy ng Hungary, 1-6, 7-5, 6-3. Bago ang finals, dinaig ni Eala sina Kayla Day, Nicole Fossa Huergo, Varvara Lepchenko, at Arianne Hartono.
Hindi ito ang unang big achievement ng 19-anyos tennis star umabot siya sa semifinals ng Miami Open nitong Marso matapos talunin ang mga Grand Slam champions na sina Jelena Ostapenko, Madison Keys, at Iga Swiatek. Umabot din siya sa Eastbourne Open finals noong Hunyo, at sa US Open nitong Agosto naging kauna-unahang Pinoy na nanalo ng match sa main draw ng isang Grand Slam.
Dating scholar ng Rafael Nadal Academy, si Eala ay unang sumikat matapos makuha ang US Open Junior Girls’ singles title noong 2022. | via Allan Ortega, D8TV News | Photo via Alex Eala/Instagram
#D8TVNews #D8TV