Panahon na para harapin ni Teves ang hustisya – Marcos

Matapos ang mahigit isang taon ng pagtatago, balik-Pilipinas na si dating Cong. Arnie Teves! Mismong si Pangulong Bongbong Marcos ang nag-anunsyo: “Panahon na para harapin ni Arnie Teves ang hustisya!” Dumating si Teves sa Davao sakay ng eroplano ng Philippine Air Force, at agad dinala sa Villamor Air Base.

Si Teves ay inaakusahang utak sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo noong 2023, pati na rin sa iba pang kaso ng pagpatay noong 2019. Bukod pa rito, may warrant siya para sa 10 counts of murder, 12 frustrated murder, 4 attempted murder, illegal possession of firearms at explosives — at kasong may kinalaman sa terrorism financing!

Itinuring din siya ng Anti-Terrorism Council bilang lider ng isang terrorist group. Tiwala ang Palasyo: “Ang batas ay hindi natutulog — may hustisya sa Pilipinas!” | via Allan Ortega | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *