All-out ang suporta nina Manny at Jinkee Pacquiao sa unang professional boxing fight ng kanilang anak na si Jimuel sa Pechanga Resort Casino sa California, USA nitong Linggo, Nov. 30.
Nagharap si Jimuel at Chicago fighter Brendan Lally sa isang matinding four-round bout na nauwi sa majority draw. Ibig sabihin, dikit ang laban at walang nanalo ayon, sa karamihan ng judges.
Hindi naman napigilan ni Jinkee ang kanyang saya at pagmamalaki sa anak. Sa kanyang Instagram post, sinabi niya: You are loved, amazing, and I am so proud of you!
Sa unang hakbang ni Jimuel sa pro boxing world, todo-suporta ang pamilya at mukhang dito pa lang nagsisimula ang mas malalaking laban para sa bagong Pacquiao sa ring.
