Pamilya ng Pinay na nasawi sa Iran strikes, tutulungan ng Israel

Personal na ipinaabot ni Israeli President Isaac Herzog ang kaniyang pakikiramay sa naulilang pamilya ng Pinay caregiver na si Mary Ann de Vera na nasawi sa isang Iranian missile strike.

Tinanggap ni Herzog si Bernie Lavarias, asawa ni Mary Ann, sa Beit HaNassi o President’s House sa Jerusalem.

Tiniyak ng Pangulo sa pamilya ang tulong pinansyal, kabilang ang buwanang stipend sa ilalim ng compensation program ng Israel para sa war victims sa pamamagitan ng national insurance system ng bansa.

“On behalf of the State of Israel, I send my deepest condolences to Mary Ann’s family and the entire nation of the Philippines,”.

Ipinahayag naman ni Herzog ang pasasalamat niya sa Filipino Community para sa pagmamahal, dedikasyon at kontribusyon ng mga ito sa Israeli society, lalo sa panahon ng krisis.

Namatay si De Vera habang inaalalayan ang matandang ward o amo nito patungo sa bomb shelter sa Tel Aviv nang tamaan siya ng shrapnel mula sa retaliatory missile strike ng Iran matapos maglunsad ang US at Israel ng joint military operation sa Tehran noong February 28. | via Joana Luna, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *