Pamilya ng pinaslang na pulis at ng kanyang anak, inatras ang isinampa kasong kriminal laban sa asawa ng biktima

Binawi na ng pamilya ng pinaslang na pulis na si Diane Marie Mollenido ang reklamong robbery with homicide at theft laban sa kanyang hiwalay na asawa na si Police SMSgt. John Mollenido.

Ayon sa tala ng Quezon City Prosecutor’s Office, naghain ng mosyon ang kapatid ng biktima para bawiin ang kaso, na nagresulta sa pagpapalaya kay Mollenido mula sa inquest.

Gayunman, sinabi ng pulisya na tuloy pa rin ang mas malalim na imbestigasyon, kabilang ang pagsusuri sa kanyang mga gadget sa ilalim ng cyber warrant.

Iginiit ng abogado ni Mollenido na patunay ang pag-urong ng reklamo na kulang ang ebidensiya laban sa kanyang kliyente, at binigyang-diin na walang ama na nasa tamang pag-iisip ang papatay sa sariling pamilya.

Samantala, iniimbestigahan pa rin ng mga awtoridad ang umano’y mabilis na pagpapacremate sa bangkay ng biktima at ang ikinikilos ng suspek matapos ang insidente.

Nanatili si Mollenido sa restrictive custody ng NCRPO dahil sa hiwalay na reklamong obstruction of justice at administrative probe.

Ayon sa kanyang abogado, dumaan sa wastong proseso ang bangkay bago ito ibinigay sa pamilya, at hindi dapat iugnay ang kawalan ng emosyon sa pagkakasala.

Samantala, sumuko na rin ang ikaapat na suspek sa krimen habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. | via Allan Ortega

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *