Tinanggihan ng Malacañang ang mga panawagan na gamitin ang Intelligence Service ng Armed Forces of the Philippines (ISAFP) para matulungan ang Philippine National Police (PNP) sa umano’y pagdami ng kidnapping cases. Ayon kay Press Officer Claire Castro, walang “widespread kidnapping spree” sa bansa at ito ay isang “fake news.”
Itinanggi ng Palasyo ang mga ulat na nagsasabing tumaas ang kidnapping incidents, na nag-ugat sa kasong pag-kidnap at pag-patay kay negosyanteng si Anson Que at ang driver nitong si Armanie Pabillo. Tatlong suspek na sangkot sa krimen ay nasa kustodiya ng PNP Anti-Kidnapping Group.
Sinabi naman ni PNP Chief Gen. Rommel Marbil na ang mga insidente ay “isolated” at dahil sa personal na motibo. Ayon sa kanya, kontrolado ng mga awtoridad ang sitwasyon at patuloy ang mga hakbang laban sa mga kriminal. | via Lorencris Siarez | Photo via: PNA/Darryl John Esguerra
#D8TVNews #D8TV