Mariing iginiit ng Malacañang na mananatili ang kasalukuyang proseso ng pag-aresto, sakaling maglabas ng warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC) laban kay Senador Ronald “Bato” dela Rosa, kaugnay ng kasong crimes against humanity kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, walang dahilan para baguhin ang umiiral na legal na proseso maliban kung maglabas ng ibang kautusan ang Korte Suprema. Aniya, kung may arrest warrant man, isusunod ito sa mga patakaran gaya ng nangyari sa dating pangulo, lalo na kung ito ay idadaan sa Interpol, kung saan miyembro pa rin ang Pilipinas.
Binanggit ni Bersamin na ang ginawang pagsuko noon ni Duterte ay base sa Republic Act No. 9851, na tumatalakay sa mga international crimes. Tiniyak din niya na walang politikal na motibo o diskriminasyon sa mga hakbang ng gobyerno.
Si Bersamin, kasama sina DOJ Sec. Remulla at DAR Sec. Estrella, ang pansamantalang nangangasiwa sa gobyerno habang nasa U.S. si Pangulong Marcos mula Hulyo 20–22. | via Allan Ortega | Photo via msn
#D8TVNews #D8TV