Masyadong abala raw si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagtatrabaho at walang oras para patulan ang umano’y planong impeachment complaint ni Cavite Rep. Kiko Barzaga, ayon sa Malacañang nitong Huwebes.
Ipinakita ni Barzaga noong Miyerkules ang reklamo na umano’y inihanda ng kaniyang kampo laban sa Pangulo, na inaakusahan nitong lumabag sa Konstitusyon at nagkanulo sa tiwala ng publiko dahil sa mga isyu ng korapsyon sa ilang flood control projects.
Pero ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, “Busy ang Pangulo sa pagtulong sa mga kababayan, hindi sa mga usaping ibinababa ang dignidad ng bansa.” Dagdag pa niya, mahirap umanong paniwalaan ang mga paratang ni Barzaga dahil wala itong ebidensiya.
Sinabi rin ni Castro na ang isyu ay nasa hurisdiksiyon ng Kamara, hindi ng ehekutibong sangay. Samantala, inirekomenda ng Philippine Army na matanggal si Barzaga bilang reservist matapos nitong manawagan ng protesta laban sa Pangulo. | via Allan Ortega
Palasyo: Sobrang abala si Marcos para patulan ang banta ni Barzaga sa impeachment
