Palasyo, sinuspinde ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno mula Disyembre 29 at Enero 2

Inanunsyo ng Malacañang ang suspensyon sa trabaho sa mga tanggapan ng pamahalaan sa buong bansa sa December 29, 2025 at January 2, 2026.

Batay sa Memorandum Circular Number 111, layon nito na mabigyan ang mga empleyado ng gobyerno na pagkakataon na makapagdiwang ng mga Bagong Taon at makabiyahe papunta at pabalik sa kani-kanilang mga probinsya.

Gayunman, mananatiling bukas at operational ang mga ahensyang responsable sa basic, vital at health services maging ang tungkulin sa kahandaan at pagtugon sa mga sakuna.

Kasabay nito, idineklara ng Palasyo bilang holiday ang December 30 na Araw ni Rizal, December 31 na bisperas ng Bagong Taon at Bagong Taon sa January 1.

Samantala, ipinauubaya naman ng Malacañang sa mga pribadong kumpanya ang pagsuspinde sa pasok ng kani-kanilang mga empleyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *