“Ang hindi marunong tumingin sa pinanggalingan, hindi malalaman ang katotohanan.”
Ito ang naging sagot ni PCO Undersecretary at Palace Press Officer Atty. Claire Castro sa pambabatikos ni Vice President Sara Duterte sa administrasyon na wala siyang nakikitang proyekto gayong umabot na sa ₱16-T ang utang ng bansa.
Ayon kay Castro, ang paglobo ng utang ng bansa ay pinagsama-sama pang utang ng mga nakaraang administrasyon maging kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
As of June 2022, nakapagtala ng ₱12.79-T utang ang bansa sa administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kung saan aabot sa ₱6.84-T dito ang solong utang ng dating Pangulo.
Inihayag din ni Castro na nais ng Pangulo na palakasin pa ang ekonomiya ng bansa at hinihikayat ang mga Pilipino na magbayad ng tamang buwis para maiwasan ang pangungutang.
#D8TVNews #D8TV