Palasyo, sang-ayon sa restitution kapalit ng WPP sa mga Discaya

Sang-ayon ang Malacañang sa pagbabalik ng mga ari-arian ng mag-asawang Discaya sa pamahalaan.

Ayon kay Palace Press Officer Usec. Claire Castro, bagama’t hindi nakasaad sa batas na dapat ay may iba pang requirements para maisalilalim sa Witness Protection Program (WPP).

May kalayaan pa rin ang Department of Justice (DOJ) na humiling ng kondisyon kapalit ng proteksyon.

Giit pa ni Castro na nararapat lang isauli ng mga umano’y nagnakaw sa kaban ng bayan ang kanilang ari-arian.

Nitong Martes, September 23, nagtalo sina DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla at Sen. Rodante Marcoleta matapos igiit ng senador na wala umano sa batas ang pagbabalik ng ill-gotten wealth ng mga nais sumailalim sa WPP. | via Alegria Galimba, D8TV News | Photo via Senate PH

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *