Palasyo, pinasalamatan ang Senado sa ginawang pagdinig ukol sa pag-aresto kay Duterte

Nagpasalamat ang Malacañang sa Senado matapos ang pagdinig sa kontrobersyal na pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon kay PCO Undersecretary Claire Castro, nalinawan ang publiko sa mga legal na usapin.
Pinangunahan ni Senadora Imee Marcos ang hearing upang ipaliwanag ang papel ng International Criminal Court (ICC), Interpol, at mga ahensya ng gobyerno sa pagdakip kay Duterte. Nilinaw rin kung nasunod ang kanyang mga karapatan sa ilalim ng batas.
Samantala, itinanggi ni National Security Adviser Eduardo Año ang paratang na bahagi siya ng umano’y “grand conspiracy” sa pag-aresto. Saad ni Año, wala siyang kinalaman sa pagpapatupad ng ICC warrant at nalaman niya lang ang Interpol red notice noong Marso 11.
Dinala si Duterte sa ICC Detention Center sa The Hague, Netherlands matapos ang kanyang pagdating noong Marso 12. Inaasahang magpapatuloy ang paglilitis sa Setyembre 23. | via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *