Palasyo: PBBM naghahanda ng detalyadong ulat para sa ika-4 na SONA

Ihahain ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanyang ika-apat na State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 28 sa Batasang Pambansa.

Ayon sa Malacañang, puspusan ang paghahanda ng Pangulo para sa isang malinaw at detalyadong ulat sa bayan. Tatalakayin niya ang progreso ng kanyang administrasyon sa kalagitnaan ng termino, lalo na sa mga isyung pang-ekonomiya, imprastruktura, agrikultura, digitalisasyon, at seguridad.

Ayon kay PCO Usec. Claire Castro, binubusisi pa raw ni Marcos ang nilalaman ng SONA para mas maging makabuluhan sa taumbayan.

“Kailangan pong mas maganda at malinaw ang pag-uulat ng mga proyekto at accomplishments.”
Simula pa noong Mayo, naghahanda na ang Kongreso. Target ang humigit-kumulang 27,000 personnel para tiyakin ang seguridad sa Batasan Complex. | via Allan Ortega | Photo via msn

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *