“That’s the process, let’s respect that.”
Ito ang tugon ng palasyo hinggil sa pag-usad ng impeachment complaints laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Lunes sa House Committee on Justice.
Ayon kay Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro, nirerespeto nila ang proseso ng impeachment ng Mababang Kapulungan.
Tiniyak din ng palace official na buo ang kumpiyansa ng Pangulo na wala itong ginawang mali at anumang impeachable offense sa kabuuan ng kanyang pamumuno.
Tugon ito ng Palasyo, matapos ideklarang “sufficient in form” ng House Justice Committee ang dalawang reklamo laban sa Pangulo. | via Judea Bernardo
