Bumuwelta ang Malacañang nitong Martes laban sa campaign ad ni Senadora Imee Marcos na inilalarawan ang kasalukuyang kalagayan ng bansa bilang “itim.” Ayon sa Palasyo, mas swak daw ang deskripsyong ito sa nakaraang administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte!
Sa presscon, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro na ang administrasyong Marcos Jr. ay nagsusumikap mapaputi ang imahe ng bansa—malayo raw sa “itim” na iniwan ng nakaraan.
“Kung sinasabi nilang itim ngayon, mas bagay ‘yon sa dating administrasyon,” banat ni Castro.
Dagdag pa niya, “Hindi pa man sobrang puti ngayon, papunta na tayo ro’n.”
Sa gitna ng patalastas ni Imee kasama si VP Sara Duterte na pumupuna sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, tila lumalalim ang bangayan— kahit kapamilya pa sa pulitika! | via Allan Ortega | Photo via msn
Palasyo: Mas inilalarawan ng ‘black’ campaign ad ni Imee ang administrasyong Duterte
