Palasyo: Kumilos na ang PCG sa mga barrier ng China sa Panatag

Gumagawa ng hakbang ang Philippine Coast Guard (PCG) laban sa mga floating barrier na inilagay ng Chinese maritime militia sa Panatag (Scarborough) Shoal, ayon sa Malacañang nitong Martes.
Ayon kay Presidential Communications Undersecretary Claire Castro, hindi maaring isapubliko ang mga detalye ng operasyon ng PCG.
“Nakausap natin si Commodore Jay Tarriela, pero hindi natin maaaring i-expose ang kanilang aksyon,” sabi ni Castro.
Tiwala aniya ang gobyerno sa PCG at Department of National Defense (DND) sa kanilang desisyon.
Noong 2023, inalis ng gobyerno ang katulad na harang sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Sa tanong na kung uulitin ba ito, sinabi ng Malacañang na wala pang natatanggap na ganitong plano. “Hintayin na lang natin ang ulat at aksyon ng mga ahensya,” dagdag ni Castro. | via Allan Ortega | Photo via PCG

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *