Palasyo kay Kaufman: Magsampa ng kaso kung may nakikitang abuso sa ilalim ng anti-drug ops ni PBBM

Hinimok ng Malacañang si Nicholas Kaufman, abogado ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, na magsampa ng kaso sa mga lokal na korte kung may ebidensya siya ng pang-aabuso sa karapatang pantao kaugnay ng anti-drug operations ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr..


Ayon kay Palace Press Officer at Undersecretary Claire Castro, mas dapat umanong pagtuunan ni Kaufman ang pagdepensa sa kanyang kliyente kaysa kwestiyunin si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagdinig ng International Criminal Court (ICC).


Sa ikatlong araw ng confirmation of charges hearing, tinanong ni Kaufman ang mga ICC prosecutor kung iimbestigahan din ba si Marcos dahil umano’y nagpatuloy ang drug-related killings sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.


Sinabi ni Castro na kung seryoso si Kaufman sa kanyang mga alegasyon, dapat itong magsampa ng reklamo sa Pilipinas. Nagpahayag din siya ng haka-haka na tila hindi na nakatuon ang abogado sa pagligtas sa kanyang kliyente, at baka may iba umano itong layuning politikal. | via Allan Ortega, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *