Itinanggi ng Malacañang na ginagamit bilang “pork barrel” ang kamakailang paglalabas ng Local Government Support Fund, para impluwensyahan ang mga opisyal ng lokal na pamahalaan, bago ang barangay at 2028 elections.
Sa briefing, sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Usec. at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na hindi dapat agad ituring na pork barrel ang pagbibigay ng pondo sa mga LGU.
Reaksyon ito ni Castro sa pahayag ni ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio na may bahid pulitika umano ang “Sa Bagong Pilipinas, Bawat Bayan Makikinabang” event ng administrasyon.
Binigyang-diin ng Palace official na mahalaga ang pagtutulungan ng national at local governments upang mas maayos na maihatid ang serbisyo sa taumbayan.
“Suhestiyon at hindi panunumbat ang sagot para maibsan ang problemang nararanasan ng iba nating mga kababayan” —Usec. Castro
