Palasyo: Hindi pababayaan ng gobyerno ang mga nakakulong na pro-Duterte OFW sa Qatar

Hindi pinababayaan ng gobyerno ang 17 OFWs na hinuli sa Qatar matapos sumali sa rally para kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, agad kumilos ang Philippine Embassy sa Doha at nagpadala ng Labor Attaché at abogado para ipagtanggol ang mga kababayan natin.
“Tutulungan natin sila, pati na rin ang pagbibigay ng care packages,” ani Castro.
Tiniyak din ng Palasyo na walang pinipili ang gobyerno pagdating sa tulong, anuman ang paniniwala sa pulitika.
Ang mga OFW ay nakakulong sa isang istasyon ng pulis malapit sa Doha matapos sumali sa kilos-protesta para kay Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa ICC sa Netherlands dahil sa kasong may kaugnayan sa war on drugs.
Sa mga patuloy na sumusuporta kay Duterte, sinabi ni Castro: “Karapatan nila ‘yon, hindi natin pipigilan.” | via Lorencris Siarez | Photo via PNA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *