Palasyo, hindi pa napag-uusapan ang posibilidad na pagbuo ng panibagong UniTeam —Palasyo

Masyado pang maaga para magbigay ng komento ang Palasyo patungkol sa posibilidad nang pagkakaroon ng bagong UniTeam.

Ito ang naging tugon ni Palace Press Officer Usec. Atty. Claire Castro sa naunang ideya ni dating Senator Antonio Trillianes na bumuo ng panibagong UniTeam na layuning tumalo sa mga Duterte sa 2028 elections.

Aminado si Castro na wala pang napag-uusapan ang Palasyo patungkol sa nasabing ideya ng dating senador dahil hindi pa rin ito naipababatid kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Una nang sinabi ni Trillianes na mainam na bumuo ng panibagong UniTeam na kabibilangan ng Marcos’ supporters at mga taga-suporta ni dating Vice President Leni Robredo upang masigurong matatalo nito ang kampo ng mga Duterte. | via Judea Bernardo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *