Palace security pinatindi

Mas hihigpitan ang seguridad para kay Pangulong Marcos at Malacañang matapos mahuli ang dalawang Chinese at tatlong Pilipino na umano’y espiya malapit sa Palasyo at iba pang mahahalagang pasilidad ng gobyerno sa Metro Manila.
Ayon kay Presidential Communications Office Undersecretary Claire Castro, “nakakabahala” ang presensya ng mga espiya sa mismong paligid ng Malacañang. Kaya naman paiigtingin ang seguridad ng Palasyo at ng Pangulo.
Naaresto ng NBI ang lima noong Pebrero 20. May dala silang mga sasakyang may IMSI catchers, isang spy device na kayang mag-intercept ng text at tawag mula sa mga cellphone.
Naunang nahuli ang tatlong Pilipino na binabayaran daw ng P2,500-P3,000 bawat araw ng isang Chinese na si Ni Qinhui para magmaneho ng mga sasakyan malapit sa mga pasilidad ng gobyerno. Sa follow-up operation, hinuli rin si Ni at isa pang Chinese, si Zheng Wei.
Noong Enero, lima pang hinihinalang Chinese spies ang nahuli sa Palawan. May mga high-resolution cameras daw sila na nakatutok sa karagatan para subaybayan ang Philippine Coast Guard at Navy.
Lumalabas na may sistematikong espiya na nagmomonitor sa kilos ng Pilipinas—at hindi ito biro! – via Allan Ortega | Photo via pna.gov.ph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *