‘Huaning’, palabas na ng PAR, pero uulan pa rin dahil sa easterlies

Ayon sa PAGASA, si Tropical Depression Huaning ay inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayon Martes ng umaga habang papunta ito sa Ryukyu Islands.

Matatagpuan ito 650 km silangan-hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes at may lakas ng hangin na 55 kph, bugso hanggang 70 kph. Wala namang itinaas na storm signal at hindi direktang makakaapekto sa bansa ang bagyo, pati na rin sa karagatan.

Pero dahil sa easterlies, makakaranas ng ulan at thunderstorms ang malaking bahagi ng bansa, lalo na sa Visayas, Bicol, Mimaropa, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, at Quezon. Posible ang pagbaha at pagguho ng lupa sa mga lugar na may malalakas na pag-ulan.

Samantala, ang natitirang bahagi ng bansa ay makararanas lang ng panakanakang ulan at localized thunderstorms. Banayad hanggang katamtaman ang hangin at alon sa buong kapuluan. | via Allan Ortega | Photo via DOST-PAGASA

#D8TVNews #D8TV

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *