Pakistan defense minister, nag-deklara ng ‘open war’ laban sa Afghanistan

Defense minister ng Pakistan, nag-deklara ng all-out na giyera laban sa Afghan Taliban, matapos sumiklab ang panibangong karahasan sa pagitan ng magkaratig bansa.

Binomba ng Pakistan ang mga siyudad ng Kabul at Kandahar sa Afghanistan ngayong araw, ilang oras matapos atakihin ng Afghan forces ang Pakistani border troops.

Dose-dosenang mga sundalo sa parehong panig ang iniulat nang nasawi sa tumitinding border clashes.

Nauna rito, sinabi ng Pakistan na hindi bababa sa 70 Afghan fighters ang napatay nila sa air strikes, na pinabulaanan ng Afghanistan.

Iginiit ng Taliban na pawang mga sibilyan, kabilang ang kababaihan at mga bata, ang nasawi.

Nag-ugat ang tensiyon sa alegasyong kinukunsinti umano ng Afghanistan ang isang militanteng grupo sa Pakistan, na mas kilala bilang Pakistan Taliban. | via Ghazi Sarip, D8TV News

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *