Ilang senador, sumali na sa bangayan ng government officials at mga opisyal ng Chinese Embassy, hinggil sa tila tumitinding tensyon sa pagitan ng Manila at Beijing.
Hostile kung tawagin ni Sen. JV Ejercito ang kasalukuyang Chinese Ambassador na si Jing Quan, gayong bago pa lang itong kinatawan sa Pilipinas.
Hindi umano nakakatulong si Jing sa pagpapatibay ng China-Philippines relations.
Sang-ayon naman dito si Sen. Raffy Tulfo. Aniya, masyadong agresibo umano ang China sa West Philippine Sea, na nangha-harass at nambu-bully ng ating Coast Guard at mga mangingisda.
Sinisisi naman ng Chinese Embassy ang ating mga opisyal, na siya umanong parating nagsisimula ng tensyon o pag-atake sa China.
Anila, tumutugon lamang sila sa professional at constructive na pamamaraan upang maprotektahan ang kanilang dignidad at national interest.
Samantala, bagama’t hindi sinuportahan ni Sen. Robin Padilla ang Senate Resolusyon No. 256 na kumukondena sa pag-atake ng China sa ating mga opisyal, nananawagan ito na maging firm at diplomatic. | via Ghazi Sarip
