Nagdudulot ng kalituhan sa international shipping ang pagtatapos ng exemption sa tariff duties para sa mga low-value packages papuntang Estados Unidos. Ang tinatawag na “de minimis” exemption ay nagbibigay-daan sa mga padala na mas mababa sa $800 na makapasok sa U.S. nang walang buwis.
Noong 2024, umabot sa 1.36 bilyong packages na may halagang $64.6 bilyon ang nakapasok sa ilalim ng exemption na ito.
Ngayon, dahil matatapos na ito sa Agosto 29, maraming postal services sa Europe tulad ng Germany, Denmark, Sweden, Italy, France, Austria at UK ang pansamantalang tumigil sa pagpapadala ng merchandise papuntang U.S. dahil hindi malinaw kung paano kokolektahin ang bagong customs duties at kung anong karagdagang datos ang kailangan, pinili ng mga ito na ihinto muna ang shipments.
Ayon sa DHL, hindi na sila tatanggap ng parcels na may lamang goods papuntang U.S. simula Sabado.
Idinagdag pa ng PostNL sa Netherlands na ipinatutupad ng U.S. ang bagong taripa kahit wala pa silang malinaw na sistema ng pagkolekta.
Ang bagong patakaran ay nagtatakda ng 15% tariff sa halos lahat ng produkto mula EU, kabilang na rin ang mga package na mas mababa sa $800 na dati’y duty-free. | via Allan Ortega | Photo via MSN
#D8TVNews #D8TV