Pagsasampa ng kaso ni Trillanes vs FPRRD at Sen. Go, ‘diversionary tactic’ lang —Go

Iginiit ni Sen. Bong Go na diversionary tactic lamang ang pagsasampa ng reklamo ni dating Sen. Antonio Trillanes IV para ilihis ang katotohanan sa isinasagawang imbestigasyon kontra korapsyon.

Ito ay matapos magsampa ng reklamong plunder ni Trillanes sa Ombudsman laban kina dating Pangulong Rodrigo Duterte, Go at pamilya ng senador kaugnay sa halos P7-B infrastructure projects na nakuha ng CLTG at Alfrego Builders noong Duterte administration.

Sa press conference ni Go sa Senado, ibinunyag din nito na may “financer” na contractor umano si Trillanes.

“To Trillanes, you are barking at the wrong tree. Kung seryoso ka talaga, bakit hindi mo kasuhan ‘yung mga totoong korap talaga? Bakit ‘di mo kasuhan ‘yung mga financers mo? ‘Yung mga contractor, alam mo ‘yun,” ani Go.

Samantala, umaasa naman si Go na magiging makatarungan ang imbestigasyon ng Ombudsman kaugnay sa kaso. | via Alegria Galimba

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *